Thursday, October 20, 2011

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS



TANONG:

Q1 - Ano po ang kahulugan ng BAUSCOOP?
A - Balanced and United Service Credit Cooperative

Q2 - Ano po ang business type ng BAUSCOOP?
A - Tayo po ay Cooperative. Hindi po tayo company gaya sa maraming MLM o networking.

Q3 - Ano po ang produkto ng BAUSCOOP?
A - loaning service

Q4 - Ano po ang kaibahan ng BAUSCOOP sa ibang kooperatiba?
A - may HSB-UES na nagpapaganda ng kita ng Miyembro

Q5 - Ano po ang kasama sa bayad sa Registration Fee na P1988 o P1588?
A - paunang bayad sa Share Capital bilang isa na sa may-ari ng kooperatiba

Q6 - Ano po ang Share Capital o Saping Puhunan?
A - ito ay puhunan bilang parte sa kabuuuang kapital ng kooperatiba at bilang isa sa may-ari. May Dibidendo o hati sa kita ng kooperatiba kada taon. Kung mas malaki kaysa sa iba ang Share Capital mo ay mas malaki din Dibidendo mo kaysa sa iba. 

Q7 - Ano ang Savings?
A - ito ay aking pera na naiipon sa kooperatiba na may tubo na 6% kada taon

Q8 - Ang Savings ba ay Share Capital?
A - ito ay ipon niyo na patuloy na lumalaki habang kayo ay patuloy na naghuhulog at ito ay maliban pa sa inyong Share Capital. 

Q9 - Magkano ang pinakamaliit na Registration Fee?
A - P1,588

Q10 - Magkano ang pinakamalaki na Registration Fee
A - P1,988

Q11 - Magkano ba ang pinakamaliit na Share Capital subscription?
A - P2,000

Q12 - Magkano ba ang pinakamalaki na Share Capital subscription?
A - P200,000 o 10% ng kabuuang kapital ng kooperatiba

Q13 - Ano ang Weekly Capital Build-Up o WCBU?
A - ito ang hulog ko kada Biyernes para mabuo ang bayad ko sa Share Capital 

Q14 - Pwede ba maghulog ng lampas sa nakatakdang Biyernes?
A - Hindi, kasi ito ay parte ng ating patakaran at doktrina. Pwede ka naman maghulog ng mas maaga sa Biyernes.

Q15 - Pwede ba maghulog ng para sa buong  buwan o taon?
A - pwede maghulog ng "advance" para sa buong buwan o kahit isang taon pa

Q16 - Saan pwede magbayad ng cash o pera?
A - Sa bangko lang pwede magbayad ng cash at dalhin sa office o BOSMP ang deposit slip.

Q17 - Kailan pwede umutang?
A - after 4 weeks o isang buwan lang basta walang palya sa paghuhulog. (sa mga dumaan sa Special Project ay 12 weeks ang hihintayin nila bago makautang)

Q18 - Papaano mapapalaki ang halaga ng pera na pwede mautang?
A - pwede mapalaki ang mauutang kung madami kang recruit, naipon na pondo o maganda record sa savings at may iba ka pang pinagkakakitaan gaya ng negosyo o regular na trabaho.

Q19 - Pwede ba agad makautang ng P50,000 after 12 weeks?
A - depende sa dami ng tao mo at pondo at pruweba na kaya mo magbayad sa halagang uutangin.

Q20 - Legal ba ang BAUSCOOP?
A - Oo. Kasi tayo ay nakarehistro sa CDA, BIR at Mayor's Office ng QC kung saan nakalagay ang main office. 

Q21 - Kailangan pa bang dumalo sa seminar?
A - kailangan dumalo dahil madaming bagay na dapat na maunawaan sa BAUSCOOP at ito ay utos ng gobyerno.

Q22 - Pwede ko ba mabawi ang pera ko pag ayaw ko na?
A - lahat ng Savings at Share Capital ay mababawi niyo po kasama ang tinubo. Pero hindi na po mababawi ang Membership Fee na 1288 at 100 na Social Fund pati na ang 100 sa BAUSNETMAP. 

Q23 - Makukuha ba ang pera ko agad pag ako ay kumalas na sa kooperatiba?
A - kailangan po bigyan ng palugit ang kooperatiba ng 60 days para gumawa ng aksiyon para dito kasi ito po ay uusisain at pagpapasyahan pa ng Board.

Q24 - Bakit pala wala tayong produkto maski networking tayo?
A - hindi po tayo isang ahente lamang kagaya ng ibang networking o MLM company.  Sa BAUSCOOP po ay isa na kayo sa may-ari at may parte kayo sa lahat ng kita ng kooperatiba. Hindi po tayo kailangan magbigay ng produkto kasi ang perang ipinuhunan niyo po ay pinambili niyo sa pagmamay-ari ng kooperatiba. Samantalang sa ahente o distributor ay dapat na may produkto sila na ibigay para may kapalit ang perang binigay niya sa kompanya. Kapag wala silang ibibigay na produkto sa ahente kapalit ng binayad niya ay maaring niloloko na po sila o ito na yung tinatawag na "scam" o peke.  

Q25) Ano po ang kaibahan ng MLM Company at BAUSCOOP?
A - ang MLM Company ay nakarehistro sa SEC bilang isang pribadong korporasyon at sumusunod sila sa batas ng SEC at DTI. Tayo po naman ay nakarehistro sa CDA bilang kooperatiba at sumusunod sa patakaran ng CDA. Ang bawat Miyembro ng BAUSCOOP ay may-ari na ng kooperatiba. Sa mga MLM company ay ahente o distributor lang sila samantalang sa BAUSCOOP ay may-ari sila mismo, may karapatan mag-usisa sa record ng kooperatiba at bumoto sa kung sino ang dapat mamuno, at may hati sa lahat ng kita ng Kooperatiba.

Q26 - Magkano ang pinakamaliit na Weekly Savings na pwede?
A - P50

Q27 - Ano ang kailangan para mag-qualify ako sa 0% at sa 0.5% na pautang?
A - kung ang hulog mo ay P200 kada linggo at wala kang palya sa paghuhulog ay pwede

Q28 - Ano ang tubo sa pautang kung ang weekly savings ay P50 lang o mas mababa sa P200?
A - 2%

Q29 - Ano ang mangyayari sa may palya sa hulog?
A - makakautang pa rin sila pero sa 3% na ang tubo at suspendido ng 6 na buwan ang lahat ng benepisyo.

Q30 - Kailan ang bigayan ng commission at ibang kita?
A - Weekly at Monthly para sa referral at commissions pagkatapos ay may Yearly pa para sa Dividends at Savings Interest Income

Q31 - Gaano katagal ang pagbabayad ng utang at magkano ang hulog?
A - Sa iba pong lending company at cooperative ay naka-limit sa 100 days o 6 months pero sa BAUSCOOP po ay kayo ang magpapasya kung magkano ang kaya ninyo ihulog at gaano katagal gaya ng 1 taon o 5 taon o higit pa.

Q32 - Hiwalay pa ba ito sa sa Weekly Savings ko?
A - Opo. Ito po ay hiwalay pa sa Weekly Savings niyo. Kung naghuhulog kayo dati ng P200 kada linggo at ngayon ay mag babayadan na kayo na utang na P300 kada linggo ay magiging P500 na po ang ihuhulog ninyo kada linggo hanggang sa matapos ang bayarin sa utang ninyo.

Q33 - Kailan po ako titigil sa pagbabayad ng Weekly Savings?
A -  tuloy-tuloy po kayo maghuhulog sa Weekly Savings. Ito po ang ipon niyo na patuloy na lalaki at tutubo pa ng interes na 6% kada taon. Pera ninyo po ito at maari ninyong kunin pag kayo ay aalis na sa kooperatiba o magre-resign na sa membership.

Q34 -  Ano ang maganda sa BAUSCOOP kumpara sa ibang kooperatiba?
A - tayo lang po ang may konsepto na nagbibigay sa Miyembro ng pagkakataon at kakayahan na bayaran ang kanilang Savings at utang sa pamamagitan ng kininita mula sa kooperatiba gaya ng Point Value Certificates mula sa recruitment referral at iba pang commissions gaya sa Loan at BOSMP.

Q35 - Ano po ang plano pa ng BAUSCOOP para sa ikabubuti ng Miyembro?
A - Ngayun po ay effective na ang Burial Assistance. Nasa plano po ng BAUSCOOP ang libreng pagpapagamot, pagpapaanak, scholarship. Magtatayo din tayo ng grocery, transport service, hospital, hotel, paaralan, pabahay, pakotse at marami pa pong serbisyo at produkto. 

Q36 - Ano ang Weekly Continuous Savings o WCS?
A - ito po ay ang perang ipon niyo o Savings na. Kapag ang perang hinuhulog niyo kada linggo ay napunuan na ang bayad niyo sa Share Capital, gaya ng P2000 o P5000, ay automatic na pupunta na ito sa Savings ninyo na tumutubo naman ng 6% kada taon. Hiwalay po ito sa Share Capital na may kita naman na Dibidendo. Kaya dalawa ang kikitain niyo kada taon. Maliban sa dibidendo mula sa Share Capital ay may kita ka pa sa Savings mo.

Q37 - Pwede ba akong magtaas ng Share Capital? 
A - sa una po ay papipiliin kayo kung P2,000 o P5,000 na Share Capital subscription. Ang halaga na mas malaki pa gaya ng P10,000 o P200,000 ay kailangan muna ng interview kay GM. Kung balak ninyo naman po na taasan ang naunang Share Capital ay gagawa lang po kayo ng sulat o "Letter of Request" para kay GM na nagsasabi ng inyong kagustuhan na taasan ang Share Capital. Bibigay niyo po ito sa kanya at papipirmahan bilang tanda ng pagtanggap sa inyong hiling. Gagawa po kayo ng dalawang kopya para ang isang kopya ay s kooperatiba at ang isang kopya ay para naman sa inyo.

Q38 - Ano ang BOLBO?
A - ang BAUSCOOP Optional Loan Business Opportunity o BOLBO ay bayad o "fee" ninyo para kayo ay kumita sa Loan Commissions. Lahat po ng Downlines niyo kapag umutang ay may komisyon kayo. Ito BOLBO fee po ay nagkakahalaga lamang ng P588 at binabayadan po ito kada taon. Pag hindi kayo nagbayad ay wala rin kayong kikitain mula sa Loan Commissions.

Q39 - Ano po ang BOSMP?
A - Ang BAUSCOOP Optional Satellite Meeting Place o BOSMP ay parang karugtong o extension ng operasyon ng Main Office at may limitadong kapasidad at authority. Hindi po ito prankisa o franchise o branch. Dito lang po nagtatagpo ang mga Miyembro para mag-meeting at mag conduct ng seminar. Kahit saan po sa Pilipinas ay pwede kayo magsagawa ng meeting o seminar at pag-ayos ng dokumento. Binigyan din po sila ng authority na mag-ayos ng documento gaya ng Membership Application at weekly savings para makatulong sa Main Office. "Pre-processing" po ang tawag dito. Maari po naman magtayo ng opisina ang BOSMP sa pamamagitan ng pagkuha ng Mayor's Permit at Barangay Permit at iba pa na maaring hilingin nila. Lahat po ng BOSMP ay may kita mula sa pag-aayos ng dokumento bago ibigay sa Main Office at sa referral sa mga bagong BOSMP na papasok sa kanila.


Q40 - Ano ang HSB-UES?
A - ang HSB-UES o Henry Serrano Bausa - Unique and Exciting System ay isang sistema na nagpapalakas sa kita ng Miyembro. Ito po ay legal at suportado ng Republic Act 9520 o ang "Philippine Cooperative Code of 2008". Nasasaad sa ARTICLE 7 ng RA 9520 ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng makabagong sistema o ideya na magpapalakas sa kita ng Miyembro. Kasama din dito ang layunin mapalakas ang kita ng Miyembro sa pamamagitan ng pakikipagtulungan natin sa ibang samahan gaya ng ibang kooperatiba o grupo ng mga tao. Kasama sa layunin na tinakda ng CDA ang palakasin sa pamamagitan ng kooperatiba gaya ng BAUSCOOP ang pag-asa ng Miyembro na makinabang sa yaman ng bansa. Isa ng halimbawa dito ang lumaki ang kita ng Miyembro para mapakinabangan ang yaman ng bansa at mga "opportunity" para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pamumuhay.


For more information, please check this weblink: http://bauscoop5407.webs.com